Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LBC kinandado, 27 staff nagpositibo

0 43

Matapos magpositibo sa COVID-19 ang 27 empleyado ay pansamantalang ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang LBC Express Hub sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Agad na pinadalhan ng closure order ng QC Business Permits and Licensing Department (BPLD) ang LBC Express Hub nang malaman na positibo sa virus ang 27 empleyado nito.

Ayon sa BPLD, upang maibalik ang operasyon ng LBC ay kailangang pumasa ang mga ito sa eva¬luation sa loob ng tatlong araw.

Miyerkoles, Hulyo 28, nang iutos ng QC government ang pagpapasara ng nasabing establisiyemento.

Inatasan din ang pamunuan ng LBC na magsagawa ng disinfection at isailalim rin sa sa swab testing o rapid testing ang iba pang mga empleyado, at magsagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuhang kostumer.

Patuloy naman ang apela ng QC LGU sa mga nasasakupang establisimiyento na makipag-ugana¬yan sa pamahalaang lungsod kung may mga kaso ng COVID-19 sa kanilang mga empleyado upang maiwasan ang hawaan sa mga katrabaho. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.