Una sa Balita

LBC finals umpisa na ngayong Lunes

0 224

UMPISA na ngayong Lunes, Aug. 26 sa Pasay City Cockpit ang tatlong araw na finals ng “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” series na may humigit-kumulang sa 120 mga sultada.

Kasali ang mga gamefowl breeder ng Palawan, Mindo­ro, Ilocos, Cavite, Laguna at Rizal na may 2, 2.5, 3, 3.5 at 4 points sa 4-stag finals na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Bitaw ang Day 2 finals bukas, Martes, Aug. 27 para sa Luzon Gamecock Breeders­ Association (LGBA), nag -ambag ng 500 entries sa LBC series.
Malalaman ang mga kampeon sa grand finals (4.5 at 5 points) sa Biyernes, Aug. 30.

Ayon kay LGBA president Nick Crisostomo, 52 ang may five points at 17 ang 4.5 naka-pts. para sa kabuuang 69 grand finalists tampok ang 138 sultada.
“This three -day battle will have at least 100 fights per day. Please come early,” panapos ni Crisostomo.

Sa detalye pa, makipag-ayos kay Erica sa 0945 4917 474, at kay Ace sa 0939 4724 206, 843 1746 at 816 -6750. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy