Una sa Balita

LBC finals 3 araw

0 218

GINAWANG tatlong araw ang final rounds ng ‘Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby’ final rounds sa Pasay City Cockpit dahil sa dami ng sultada.

Mga kalahok na may 2, 2.5, 3, 3.5 at 4 points mula sa Manila Cockers Club, United Manila Cavite GBA, Palawan Cockers at Mindoro Gamefowl Breeders Association ang sasagupa sa Lunes, August 26.

Isusunod ang laban ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) members na may kaparehong iskor sa August 27.

Sa Biyernes, August 30, ang grand finals para sa mga umiskor ng 4.5 at 5 points.

Lumobo sa P10.7 milyon ang premyo ng LBC series na inorganisa ng LGBA, Sagupaan Agricultural Pro­ducts, Inc. at bree­ders associations/cockpit operators ng Luzon.
Sa ibang detalye: 0945-491-7474 (Eri­ca); 0939-472-4206 (Ace) o 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy