Una sa Balita

Lazada, Shopee sisilipin sa kolorum courier

0 402

GUMAGAMIT ng mga hindi lisensiyadong courier service ang malalaking online store sa bansa sa pagde-deliver ng in-order ng mga kliyente, ayon kay Buhay Party-list Rep. Lito Atienza.

Sa isang interview, sinabi ni Atienza na ipatatawag niya ang mga online store upang pagpaliwanagin kung bakit ang kanilang kompanya ay gumagamit ng mga kolorum courier tulad ng Ninja Express PH o NinjaVan at J&T Express na patuloy na nag-o-operate sa bansa kahit walang lisensiya mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kabilang sa posibleng ipatawag ay ang mga opisyal ng Lazada at Shopee.
“We will call them when the investigation on my House resolution on this big time colorum courier services starts,” saad ng mambabatas.

Nakapaghain na ng House Resolution No. 481 si Atienza para paimbestigahan sa Kamara ang mga nag-ooperate na freight at forwarding services kahit na walang kaukulang lisensiya.

Inamin ni Atienza na inakala niya noong una na small time lamang ang NinjaVan, J&T Express at Entrego Philippines subalit natuklasan niyang mga big time player pala ang mga ito dahil libo-libong katao ang kanilang mga rider.

“I thought before these companies are small fry but when I was told that they at least have 5,000 motor vehicles operating under their name, they are no longer small companies but big time colorum,” wika ni Atienza.

Bukod sa walang lisensiya, ang mga courier na ito ay pagmamay-ari ng mga banyaga na labag sa ating Konstitusyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy