Una sa Balita

Laylo itinumba ang Chinese GM

0 315

HINDI nagpasindak si Pinoy GM Darwin Laylo kahit tigasing woodpusher ang kanyang nakalaban sa Round 7 ng Asian Continental Chess Championship, 2019 na ginaganap sa China.

Binulaga ni No. 48 seed Laylo (Elo 2433) si Chinese GM Zeng Chongsheng, (Elo 2561) matapos ang 55 moves ng Gruenfeld Defense.

Nakalikom si Laylo ng 4.5 points, nakisiksik siya sa 11-way tie sa ninth place sa event na ipinatutupad ang nine rounds Swiss system.

May dalawang laro pa ang natitira kay Laylo, malaki ang tsansa niyang manatili sa top 10.

Muling makikilatis si Laylo sa eighth at penultimate round dahil katapat niya si super GM Lu Shanglei ng host country.

Tabla ang huling laro ni No. 8 ranked Lu, (Elo 2624) kay GM Lalith Babu ng India.

Ang ibang Pinoy chesser na nagwagi ay si IM Jan Emmanuel Garcia, kinalos niya si GM Vishnu Prasanna.

May apat na puntos si Garcia kasalukuyan siyang nasa pang-28th place, susunod niyang makakalaban ay si Chongsheng. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy