Una sa Balita

Laway lang batas ni JV! UHC kapos sa budget — DOH

0 329

INAMIN ni Health Secretary Francisco Duque III na malamang na hindi pa maipatupad ang Universal Health Care (UHC) Law sa 2020 dahil sa kakulangan ng pondo at kahandaan.

Ang pag-amin ay ginawa ni Duque sa ginanap na hearing ng House committee on appropriations tungkol sa panukalang budget ng Department of Health (DOH) para sa susunod na taon.

Ayon sa kalihim, P257 bilyon ang kaila­ngang pondo sa implementasyon ng UHC pero P166 bilyon lamang ang inilaan ng Department of Budget and Management (DBM).

“The strategic readiness of the DOH in the implementation of the Universal Health Care year one is 2020, and it is a progressive realization [that] it cannot be a national roll-out, your honors,”ayon kay Duque

“I guess the keywords are progressive realization given that we cannot do a nationa­l roll-out because of budgetary constraints and also because of the readiness,” dagdag ni Duque.

Ayon sa kalihim kailangan pa nilang magsagawa ng “capa­city building” sa iba’t ibang lalawigan na ayon sa Republic Act No. 11223, ay dapat na magsilbing convergence points para sa integrasyon ng reporma sa health care system.

Kabilang umano sa sakop ng UHC ay ang service delivery, health regulation, health care financing, governance and performance accountability, at health systems development.
Una nang naglaan ang DBM ng P166.5 bilyon para sa “full implementation” ng UHC law sa ilalim ng 2020 National Expenditure Program.

Sa kabila na sinabi ni Duque na ang pondo na inilaan para sa DOH ay hindi sapat para sa lahat ng programa may inaasahan naman silang ibang mapapagkunan na mandato ng batas gaya ng P40 bilyon mula sa Philippine Amusement and Gamin­g Corp., P1.5 bilyon mula sa Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) at P67.5 bilyon subsidy mula sa national government.

Isa si dating Senador JV Ejercito sa may-akda ng UHC Law. Kahit na maganda ang layunin ng batas, hindi naman ito naging daan para mahalal muli noong 2019 elections ang anak ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada. (JC Cahinhinan/Juliet de Loza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy