Una sa Balita

Law student, Grade 12 kulong sa Baguio City

By
0 1,232

Kalaboso ang isang law student at ang Grade 12 nang manggulo sa isang beer house sa Assumption Road, Baguio City noong kamakalawa.

Kinilala ng Baguio City Police Office (BCPO) ang mga suspek na sina Kimberson Palacyang, 25-anyos, law student, ng Alapang, La Trinidad, Benguet, at Jeffrey Menzy, 18, Grade 12 student, ng Ucab, Itogon, Benguet.

Sa imbestigasyon, nagsasagawa ng ‘Operation Bakal-Sita’ ang City Mobile Force Company (CMFC) at nilapitan ni PO1 Leo Marrero, ng CMFC, ang babae kung bakit umiiyak na hindi pinangalanan, na katabi sa mesa ng mga suspek ngunit biglang tumayo si Palacyang na minura at tinulak ang pulis.

Humingi ng tulong si Marrero sa kanyang mga kasamahan at hinuli ang mga suspek.

Sa estasyon ng pulisya, nagwala at nanuntok pa ng tatlong pulis ang mga suspek kaya’t ikinulong at sinampahan ng kasong direct assault at serious disobedience to an agent of persons in authority.