Una sa Balita

Lava Walker masusubukan

0 213

KIKILATISIN ang isa sa mga batang tigasing kabayo ni Hermie Esguerra na si Lava Walker pag-arangkada nito sa “Three-Year-Old Maiden Race” ngayong gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nakatutok ang mga liyamadista kay Lava Walker na rerendahan ni class A rider AR Villegas, may distansyang 1,400 meters ang event na nakalaan ang karagdagang premyo na P10,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Pero inaasahang kokontra ang mga dehadista, at ilan sa kanila ay sina She’s My Princess at Refuse To Lose ang kanilang napipisil na tayaan.

Ang ibang kalahok ay sina Platinum,Quick Little, Lake Music, Money Show, Batang Kamuning, A Song For Gee, Easy Touchdown at Panday Pira. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy