Una sa Balita

Lauren Young pang-horror ang karanasan sa DFA

0 919

abante-paistaran-dondon-serminoSunod-sunod ang tweet ni Lauren Young tungkol sa karanasan niya sa DFA (Department of Foreign Affairs), na ayon sa kanya ay horror stories talaga.

Anyway, heto ang kuwento ni Lauren sa kanyang Twitter account:

“Processing for documents in the Philippines makes me wanna pull my hair out, scream and have my eyes roll back. Basically an exorcism.

“Guy in window 1 told me I have to get a document but should verify with window 2 if it’s necessary or if there’s something they can do for me. Waited in line for 3 hours to get to window 2 only to be told the exact same thing. Sala­mat! #DFAHorrorStories.

“2 windows accommodating 100 people in cue. I felt so bad for the people waiting and for the people working there. Right now the question isn’t ‘what can WE do?’

“But more of ‘what should THEY do?’ Or.. ‘Can I have my taxes back?’ Lololol jk #DFAHorrorStories.”

Well…

Magsasama sa pelikula
Vice Ganda, Sharon magbababa ng talent fee

Na-shock ang lahat sa episode ng “Gandang Gabi Vice” noong Linggo (Setyembre 2) kung saan walang kaabi-abisong binigay ni Megastar Sharon Cuneta ang suot niyang diyamanteng bracelet kay Vice Ganda.

Nagsimula ang lahat nang pansinin ni Vice ang makikinang na bracelets ni Ate Shawie. Napasigaw naman si Vice, pati ang audience nang sabihan ng beteranang aktres na mamili ng isa rito ang komedyante.

Nakailang pilit pa si Mega kay Vice dahil nahihiya at hindi raw nito kayang pumili. Ikaw ba naman ang bigyan ng alahas live on television?

Ayon kay Mega, “Kasi alam mo, nu’ng ‘di ka pa sikat mahal na kita. Wala pa akong nabibigay sa ‘yo. So, alin nga diyan?” Naikuwento naman ng dalawa ang pinagsimulan ng kanilang relasyon sa “The Sharon Cuneta Show” kung kailan wala pang nakakakilala kay Vice.

Ayon kay Sharon ay ipinagmamalaki niya ang narating ng komedyante, “Ang yaman-yaman na ni Vice pero proud na proud ako sa kanya. He has remained humble.”

Tugon naman ng unkabogable star, “‘Yung halaga ng bracelet walang pana­ma sa halaga ng pagmamahal mo sa akin.”
Matapos ang ilang pilit ay nakapili rin si Vice at isang turo lang ay tinanggal ni Sharon ang bracelet. Ang Megastar pa mismo ang nagsuot nito kay Vice. Bongga, ‘di ba!

Well, ina­abangan na nga kung kailan mangyayari ang sinasabi nilang pagsasama nila sa pelikula. Bongga rin naman ‘yon.

Pareho nga silang willing na ibaba ang kanilang mga talent fee para lang matuloy ang pelikula na gusto nilang pagsamahan.