Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lauren kinahiya ang katabaan

0 114

Dalawang taon hindi gumawa ng teleserye si Lauren Young dahil naging malaking issue sa kanya noon ay ang kanyang katawan.

Sa dalawang huling teleserye ni Lauren sa GMA na Hiram Na Anak at Contessa, kapansin-pansin ang paglaki ng katawan niya at nagdala raw iyon ng malaking insecurity sa kanya.

Pero ngayon ay na-overcome na niya ang kanyang insecurity sa kanyang katawan at natutunan na niyang i-embrace ito. Kaya tinanggap niya ang muling gumawa ng teleserye via Stories From The Heart: Never Say Goodbye.

“Ako kasi I’ve been dealing with body image issues for a very long time. And I really like to use my platform to encourage people and to help people to boost their confidence.

“I was skinny or fit before. I had abs. I’ve been through that. I eat healthy. I exercise every day. And for what? To please other people?

“And now, although I’m on the heavier side, the chubby side, I may not look picture perfect to the standard of other people but at the end of the day I’m most confident now in my current state and I’m so happy with where I am in my life.

“I like to thank GMA because they always give me opportunity regardless of my weight. I’ve proven that when it comes to acting I can deliver. Whatever do I look like, they always cast me because they know I deliver. And that’s what matters most, acting above all. Kasi hindi naman ito pasikatan, ’di ba…ang showbiz? Patagalan s’ya.”

Ang importante raw kay Lauren ay masaya siya inside and out dahil tanggap niya ang sarili niya na sana’y maging motivation din sa ibang kababaihan. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.