Una sa Balita

Lauren, Gabby nakakakulo ng dugo ang kahayupan

By
0 2,852

Hindi pinalampas ng loyal Kapuso viewers ang pagsisimula ng kwento ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Contessa na siyang pinagbibidahan ni Glaiza de Castro.

Sa social media sites, puro papuri sa magandang plot ang napansin ng mga fan kaya naman isa na raw ito sa siguradong aabangan nila sa telebisyon tuwing hapon. Umpisa pa lang, intriguing na ang mga eksena kaya sure kami na mas marami pang plot twists ang magaganap dito. Pero wala pa man ‘yun, we now congratulate the whole team of Contessa for producing such a good piece.

At first day pa lang, marami na ang kumukulo ang dugo kay Lauren Young, pati na rin kay Gabby Eigenmann, ha! Pareho raw kasing ugaling hayup ang dalawa.

***

Nasagot na ang matagal na ngang tinatanong ng mga BiGuel fan sa kanilang mga idolo na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Hindi man kasi namin nakita in person ang paghingi ng permiso ni Miguel sa lola ni Bianca na ligawan niya ito sa nakaraang debut ng dalaga sa EDSA Shangri-La, damang-dama pa rin namin ang kilig kahit na sa social media lang namin ito napanood.

Bukod dito, marami sa mga fan ang nagpahatid ng papuri sa ginawang ito ng Kapuso actor hindi lang sa regalo nitong all-expense paid trip to Japan, kundi dahil pinakikita raw ni Miguel na hanggang ngayon, buhay pa rin ang kulturang Pinoy na pagrespeto sa matatanda.

Isa pa, pinatunayan lang nito na kaya niyang panindigan ang kanyang salita na kapag dumating na si Bianca sa tamang edad na 18 ay saka pa lamang niya ito liligawan. Kitang-kita talaga ang magandang pagpapalaki ng mga magulang ni Miguel sa kanya.

Ang tanong na lang ng marami ngayon: Kailan kaya siya sasagutin ng dalaga? Tanging Diyos lang ang nakakaalam. Talbog!!!