Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Laure talon sa pro volley

0 200

Hahambalos na bilang isang professional volleyball player si EJ Laure na magbabalik na para sa Chery Tiggo Crossovers.

Ito ang kinumpirma ni team manager Ronwald Dimaculangan sa Abante Sports via text message nitong Biyernes. Puntirya ng Crossovers na madepensahan ang kanilang korona sa darating na 2022 Premier Volleyball League Open Conference na binabalak simulan sa Pebrero 16.

“EJ Laure will play this coming season,” litanya ni Dimaculangan. Magugunita na huling pumalo si Laure para sa UST Golden Tigresses nitong UAAP Season 82 na napurnada dahil sa pandemya.

Matatandaan rin na kabilang ang 24-year-old hitter sa kampeonato ng Foton noong 2016 sa Philippine Superliga Grand Prix. Noong 2021 PVL Open Conference, tagumpay na nasungkit ng Chery Tiggo ang kampeonato matapos pataubin ang kampo ng Creamline Cool Smashers. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.