Una sa Balita

Laura Lehmann nadonselya ni Enchong

0 876

abante-i-know-better-jun-nardoVirgin sa showbiz si Miss World PH Laura Lehmann kaya todo ang kaba niya nang isama siya sa Regal movie na Elise. Nang unang shoo­ting day niya, 9PM ang call time niya.

“Ay, ganito pala rito. Ang shooting sa gabi. 9(PM)-5(AM) ang job so nanibago pa talaga ako. Eh ang first scene ko noon, kissing scene (with Enchong Dee).

“I remember asking him, ‘So who do you want the kiss?’ Honestly he stared at me and said something like, ‘Bahala na.’ Ganoon lang siya,” chika ni Laura sa mediacon ng movie.

“Mas lalong kinabahan ako doon but it was really a learning experience for me and I’m happy. Buti na lang Enchong was very nice and very accommoda­ting pati rest of the cast and Janine (Gutierrez).

“Actually, Janine is my good luck charm. The very first TV show I guested on was on her show and the very first movie I went on as Janine’s movie.

Maraming salamat, Janine, for all the luck you brought me. Masaya talaga ako!” bulalas pa ng Miss World PH.

‘Onanay’ pinataob ang katapat na programa

Pinataob ng Kapuso series na Onanay ang dalawang TV shows at loveteams ng katapat na Kapamilya shows – ang Bagani nina Liza Soberano at Enrique Gil at ang Nga­yon at Kailanman nina Joshua Garcia at Julia Barretto na tumiklop na rin.

Ibig sabihin lang eh, pheno­menal ang Kapuso hit series na kahit anong loveteam at programa ang itapat eh, wala pa ring binatbat sa cast ng Onanay na pinagbidahan ni Jo Berry, Cherie Gil, Nora Aunor, Kate Valdez at Mikee Quintos.

Sa totoo lang, ilang beses nang na-extend ang GMA series dahil inaabangan nila ang labanan nina Cherie at Jo. Kahit baguhan si Jo, sumabay talaga siya sa husay sa acting ni Cherie, huh!

Heto at may kakalaban na naman sa Onanay. Pero base sa TV plug nito, predictable ang kuwento na binago lang ang setting at kiyemeng may military effect, huh!

Walang bago kumbaga kaya malaki pa rin ang bentahe ng cast ng Onanay kesa sa ilalabas na series.

Naku, papayatin muna ninyo ang ilan sa cast at grabe ang taba nila sa screen, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy