Una sa Balita

Latvia chessfest: So, Indian draw

0 196

TABLA ulit ang laban ni super Grandmaster Wesley So ng Estados Unidos kay GM Pentala Harikrishna ng India sa Game 2 ng 2nd Grand Prix Series Knockout 2019 Linggo sa Jurmala/Riga, Latvia.

Parehong may tig-isang puntos sina 25-year-old So at Harikrishna tapos ang 29 moves ng Queen’s Gambit kaya magkakaroon ng dalawang rapid games para malaman kung sino ang sasampa sa susunod na round.

May tig-25 minutes plus 10 seconds increment sina Imus, Cavite native So at Harikrishna para tapusin ang laro at kung draw pa rin ay kasunod ang 10+10, kapag ‘di pa rin nagkatalo ay 5+3 na ang banatan at huli ang armageddon.

Kailangan manalo ni former Philippine Chess team star So upang manatili ang asam na makalaro sa World Championship kontra world champion GM Magnus Carlsen ng Norway.

Kasalukuyang nasa No. 4 sa world ranking si So sa ELO rating na 2781. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy