Una sa Balita

Last two rounds sa ‘World Slasher’

By
0 1,224

DALAWA pang final rounds ng “2019 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby” ang ilalarga ngayon, Lunes, Feb. 4 at sa Miyerkoles, Feb. 6 sa iconic Smart Araneta Coliseum.

Kasali sa 4-cock finals ngayon ang mga kalahok na may 2, 2.5, 3 at 3.5 points.

Sa Miyerkoles, Feb. 6 (grand finals) ang laban ng may 4, 4.5 at 5 points at dito malalaman ang kampeon.

May 37 grand finalists ang sasagupa sa Miyerkoles sa pangunguna nina Elmer Stokwa ng Guam, Jomel Gatlabayan at RGBA Friends, Team Alcala, A. Bernos ng Abra at CPB and Cris entry.

Umiskor ng 4.5 puntos sina Belle Almo­jera ng Florida, USA at Santi Sierra ng Cebu habang  30 ang may 4 wins gaya nina dating WSC champions Nene Araneta at Biboy Enriquez.

Muling susuporta si Pitgames media CEO Manny Berbano sa host, ang Pintakasi of Champions.

Ang sponsors: Thunderbird, Emperador, Powertrac, Pitgames Media Inc. at Sabong Pilipinas.Isang 32” LED tv mula sa Powertrac ang ibibigay sa raffle.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy