Una sa Balita

‘Last Shot’ ni Jordan ilalabas na

By
0 1,280

Hunyo 14 – petsang nakatatak sa mil­yong fans ng ‘GOAT’ ng NBA na si Michael ­Jordan kung saan pinukol niya ang game-winning shot upang pagharian ang 1998 NBA Finals, at ang tira ring ‘yon ang kanyang huli para sa Chicago Bulls.

Kaya naman ngayong taon, bilang pagpupugay sa ika-20 anibersaryo ng kanyang huling laro sa Bulls ay ilalabas na sa merkado sa Hunyo 14 (15 sa Pilipinas) ang Air Jordan 14 ‘The Last Shot’.

Ang retro-inspired design nito ay nakabase sa kulay ng Ferrari, paboritong kotse ng six-time NBA champion na si Jordan, at hindi mawawala ang simbolo ng ‘Air Jordan’ na trademark ng kanyang shoe line.

Ang presyo nito ay aabot sa tumatagin­ting na P10,124 at mabibili lang sa piling Jordan Brand stores at kanilang online store.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy