Una sa Balita

Last round na sa LBC series ngayong Lunes

0 306

HAHABOL sa panalo ang mga kalahok sa huling round (set C) ng “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” series ngayong Lunes, Aug. 19 sa Pasay City Cockpit.
Aabante ang mga qualifier sa 3-stag semifinal sa Aug. 23 na ihahatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.
Itinakda pa rin sa P7,000 ang entry fee sa mga maglalaban ng straight five stags sa Aug. 23, ani Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) president Nick Crisostomo.
Nitong Biyernes, anim ang may 5-0 (panalo -talo) kartada sa PCC upang makaakyat sa grand finals sa Aug. 30.
Sila ay sina Mandy Garcia ng Barigon MG Nov. 2 Lemery, Orlando Castillo ng San Ignacio, Jun Lovendino ng V Farm Baby Catriona, Nelson Uy/Dong Chung ng Hapi Papa, Carlos de Jesus ng Sagupaan Don Carlos at Ronald Barandino ng Jan. 10 Pasay 4-Cock.
Umabot na sa 34 ang may five points at 13 ang naka-4.5 markers para sa grand finals.
Sa mga umiskor ng 2, 2.5, 3, 3.5 at 4 points, ang final round naman ay sa Aug. 26. (Enjel Manato)

Related Posts

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy