Una sa Balita

Last batch ng OFWs darating ngayon

By
0 3

Darating ngayong hapon (Hunyo 29) ang huling batch ng mga overseas Filipino worker­s (OFWs) na nagmula sa bansang Jeddah at Riyadh na nag-avail ng amnesty program ng gobyerno ng Saudi Arabia.

Inaasahan ngayong alas-tres ng hapon darating ang 110 na mga OFWs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na nag-avail ng amnesty program na pinagkaloob sa kanila ng Saudi go­vernment para sa mga undocumented OFW.

Ang mga nasabing OFW ay lulan ng Cebu Pacific flight 5J-741 mula sa Riyadh na lalapag sa NAIA sa Pasay City.

Sa inilabas na media advisory ng Department of Foreign affairs at Overseas Worker Welfare and Administration (DFA-OWWA) hindi nagkulang ang pamahalaan sa pagpapaalala sa ating mga kababayang OFW na nanatili pa sa iba’t ibang bahagi ng bansang Jeddah at Riyadh.

Base sa pahayag ng DFA at OWWA, nag-deploy ang kagawaran ng Rapid Response Team sa Riyadh, Jeddah at Al Khobar para mairehistro ang mga Filipino sa pagsasaayos ng kanilang mga dokumento.

Bagama’t wala pang anunsiyo ang Saudi go­vernment kung pala­lawigin pa muli nila ang pagpapatupad ng amnesty program sa mga OFW na naroroon dahil hanggang ngayong araw na lamang ito.

Nauna nang inihayag ng Saudi government na dapat noong Hunyo 15 ­lamang ang ibinigay nilang amnesty program sa mga undocumented OFWs subalit ito ay kanilang pinalawig o pinahaba dahil sa Eid’l Fitr kaya ngayong Hunyo 29 na magtatapos.

Patuloy pa rin na nakikipag-ugnayan ang DFA at OWWA sa Saudi Immigration at sa Airlines company para matiyak na maayos ang pag-proseso sa mga dokumento ng mga OFWs na pabalik sa Pilipinas.

Base pa sa napaunang ulat, tinatayang nasa 7,000 pa na OFWs ang dapat pang mapauwi sa bansa. (W/Kate Aguilar)