Una sa Balita

Last 2 rounds sa Roligon

0 695

MAY natitirang dalawang elims round pa ang “RMC 29th Anniversary 5-Cock Derby” at ilalarga ang 5th round ngayong Huwebes, Marso 7, sa air-conditioned Roligon Mega Cockpit umpisa 4pm.

Ayon kay Tiling Capitan ng Roligon, malaki pa ang tsansa ng mga gustong sumali dahil 15 pa lamang ang umiskor ng tatlong panalo.

“Maraming entries sa last 3-cock elims sa March 14. Puwede rin ang straight five sa grand finals (Mar. 28),” ani Capitan.

Ang 2-cock finals: Mar. 21 (1, 1.5, 2 at 2.5 points taya ang P300,000 sa day champions) at Mar. 28 (3 points lamang).

Ibibigay ang premyong P3.5 milyon sa pasabong na ito ni Roligon CEO Dennis Ligon.

Sa mga nagpasok na ng dalawang entries, ­kalahati na lamang (P5,500) ang entry fee sa ikatlong pagsali.

Tawagan lamang ang: 519-7345 (Roligon office), 0920-950-9090 (Shirley) at 0926-713-4069 (Tiling).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy