Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Laslas gang dumayo sa Cavite, timbog

0 107

Swak sa kulungan ang tatlong kababaihan, kabilang ang isang lola, na hinihinalang mga miyembro ng laslas gang makaraang hiwain at tangayin nila ang laman ng ecobag ng dalawang ginang habang namamalengke ang mga ito sa Silang, Cavite noong Linggo.

Hindi na nakapalag ang mga suspek na sina Parena Garces, 60-anyos, Analyn Hererra at Liza Salonga, pawang 49-anyos, mga residente ng Montalban St., Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal nang damputin sila ng mga pulis dahil sa reklamo nina Jennilyn Sarmiento, 35-anyos, ng Camia St. Brgy San Miguel 2, Silang, Cavite at Richel Hiponia, 39-anyos, ng B6 L10, RCD Royale Homes Brgy. Kalubkob, Silang, Cavite.

Sa ulat ni P/Cpl. Ralph Jayson Santos ng Silang Police Station, sinundan ng mga suspek ang dala­wang biktima habang namamalengke sa Silang Public Market sa Brgy. San Miguel 2, Silang, Cavite dakong alas-10:50 ng umaga.

Nakuha kay Baay ang P731 na cash habang P190 at postal ID ang natangay kay Tausa.

Nakita sa CCTV ng pamunuan ng palengke ang pagdikit sa kanila ng mga suspek at paglaslas sa kanilang mga bag kaya’t ipinagbi­gay-alam nila ito sa pulisya. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.