Una sa Balita

Lasing napagtripang saksakin

By
0 77

Todas ang isang lalaki makaraang makursunadahan at pagsasaksakin ng isang grupo ng mga lalaki sa Davao City kamakalawa.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, galing sa pakikipag-inuman ang biktimang si Jayson Luayon nang matiyempuhan ng grupo ng mga suspek.

Ayon kay Chief Insp. Noel Villahermosa, hepe ng Sasa Police, napagtripan umano ng mga suspek ang lasing na biktima na pagsasaksakin hanggang sa bumulagta at masawi.

Arestado sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ang isa sa mga suspek na si Francis Antiparilla.

Una munang itinanggi ni Antiparilla na may kinalaman siya sa krimen subalit kinalaunan ay itinuro nito ang nakatakas na kapatid na si Christian ang nasa likod umano ng pananaksak sa biktima.

Sa rekord ng pulisya, lumabas na nahaharap na si Antiparilla sa kasong frustrated murder at ikapito sa listahan ng most wanted sa area of responsibility ng Sasa police.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy