Una sa Balita

Lasing nakatulog sa gilid ng Quezon highway, nagulungan ng truck

By
0 243

DAHIL sa kalasingan, nakatulog ang isang mangingisda sa gilid ng highway subalit hindi na ito nagising matapos magulungan ng truck sa Brgy. Angeles, Atimonan, Quezon.

Kamakalawa nang umaga ay natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima na nakabakat pa sa katawan nito ang bakas ng gulong ng truck.

Kinilala ito ng Atimonan police na si Melvin Arida Cabuyao, 32-anyos, residente ng Brgy. Bukal, baya­n ng Pagbilao.

Batay sa imbestigasyon ng Atimonan police, hu­ling nakitang buhay ang biktima bandang alas-nuwebe nang gabi matapos na ito ay umalis sa inuman ng mga kaibigan sa resort malapit sa highway sa Brgy. Balubad at naglakad patungo sa Brgy. Angeles.

Ayon sa mga imbestigador, posible anyang nahilo ang biktima at napahiga ito sa madilim na shoulder na siya ring pahingahan ng mga bumibiyaheng mga truck na patungo at nanggagaling sa Bicol region.

Nagtamo ang biktima ng grabeng pinsala sa ulo at katawan na agad nitong ikinamatay.
Hindi naman matukoy ang truck na nakasagasa dito.