Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lasing nag-amok, kumalabit ng baril

0 68

Nawala ang tapang at kalasingan ng isang lalaki nang maaresto ito matapos magwala at magpaputok ng baril sa Malabon City, Linggo ng hapon.

Nanlumo si Henry Gososo, ice vendor, nakatira sa Brgy. Longos ng nasabing lungsod, dahil problemado kung saan kukuha ng pangpiyansa para sa pansamantalang paglaya.

Ayon kay PSSg. Diego Ngippol ng Station Investigation Unit (SIU) Malabon Police, bandang alas-5:50 ng hapon nang makatanggap sila ng reklamo na isang lalaki ang may dalang baril sa kahabaan ng Block 8, Teachers Village, Pampano Street sa nasabing barangay.

Kaagad namang rumesponde sina PLt. Joel C. Aquino sa lugar, ngunit hindi pa man sila nakalalapit nakarinig na sila ng putok ng baril.

Narekober sa suspek ang kalibre .38 revolver na may apat na bala, at kinasuhan ng paglabag sa illegal possession of firearms and ammunition. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.