Una sa Balita

Lasenggong Rodman iwas-rehas

By
0 1,742

NAKAIWAS sa kulu­ngan si NBA Hall of Fame inductee Dennis Rodman nang maghain ng guilty plea sa kinakaharap nitong kasong driving under the influence of alcohol at pagmamaneho na may blood alcohol level na 0.08% o higit pa.

Sa halip, sinentensiyahan nitong Lunes si Rodman na sumailalim sa siyam na buwang alcohol education ­program, inilagay sa tatlong taong informal probation at pinagba­yad ng multang $390.

Una nang nagpa-­rehab si Rodman matapos mahuling naka­inom.

“In issuing the sentence, the court recognized Dennis’ intensive inpatient rehabilitation and his commitment to treatment,” anang statement ng abogado ni Rodman na si Paul Meyer sa Daily News. “Dennis has accepted responsibility for his sobriety and has made great progress.”

Inaresto si Rodman,­ 56-anyos, noong Enero 13 matapos parahin sa Newport Beach dahil sa paglabag sa trapiko. Pumalya siya sa field sobriety test. Pumayag ang dating player na sumalang sa Breathalyzer test at lumagpas ang alcohol sa legal limit na .08.

Noong kapanahunan niya, nakilala si Rodman sa kanyang depensa, rebounding, tattoos, body piercings at paiba-ibang kulay ng buhok at binansagang The Worm. (VE)