Una sa Balita

Lascuna kinapos sa Taipei

By
0 4

Sumabog sa 1-over-par 73 sa karampot na 2 birdies at may 3 bogeys pang si Antonio Lascuna para pagtiisan na lang ang 3-way tie for 6th sa sarado kahapon ng US$.5-million 8th Yeangder Tournament Players Championship 2017 kahapon sa Linkou International Golf and Country Club sa Chinese Taipei.

Iyon ang worst round ng Filipino pro para sa total 281 at iuwi ang $14,383 sa 4-day, 144-player event na 24th leg ng 23rd Asian Tour 2017, patungo sa mayamang 25th leg nitong $7M 8th CIMB Classic 2017 sa TPC Kuala Lumpur, Malaysia sa Oct. 12-15.

May earlier rounds siyang 69-70-69.

Abante Hiring – IT dep

Kabilang sa tatlong lumapag sa 16th spot si Rio Olympian Miguel Tabuena na may best round 68-285 na may kalakip na $6,325.

Si Indian AjeeteshSandhu (70-276) ang nagtakbo ng titulo at top purse na $90,000 sa pag-alpas ng isang palo kay American Johanees Verman (71-277).