Una sa Balita

Las Piñas pinamana sa akin — Villar

0 348

ITINUTURING ni Senador Cynthia Villar na pag-aari nila ang lone Congressional seat ng Las Piñas kaya’t maaari niya itong ipamana sa kanyang anak.

Sinabi ito ni Villar nang maging panauhin sa ANC at hingan ng komento sa pagkakapanalo ng anak na si Camille bilang kongresista ng Las Piñas sa halalan noong Mayo 13.

“My daughter is taking over the Congressional seat. That Congressional seat has been with our family since 1987. It’s not something that we are wil­ling to give up because it was given to us by our parents and we will give it to our children,” wika ni Villar sa nasabing interview.

“If we’re not good in Metro Manila we will not be reelected,” dagdag pa niya.

Ang asawa ni Cynthia, si dating House Speaker at Senate President Manny Villar ay naging kongresista ng Las Piñas mula 1992 hanggang 2001. Si Cynthia naman ang humalili mula 2001 hanggang 2010.

Naupo naman ang kanilang anak na si Mark Villar noong 2010 hanggang 2016. Noong italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mark bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong Hulyo 2016, ginawa namang caretaker ng distrito ang asawa ni Mark na si dating DIWA Party-list Rep. Emmeline Aglipay-Villar.

Ang ama ni Cynthia ay nagsilbing mayor ng Las Piñas mula 1964 hanggang 1986. Ipinagpatuloy naman ito ng kapatid ni Cynthia na si Vergel ‘Nene’ Aguilar at ng asawa nitong si Imelda.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy