Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Las Piñas buy-bust: P122M shabu narekober, 6 timbog

0 90

Kalaboso ang anim katao, kabilang ang isang 14-anyos, habang umaabot sa 18 kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng higit P122 milyon ang nakumpiska ng awtoridad matapos ang isinagawang joint buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Las Piñas City, kamakalawa.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Reyano Oraid, 30; Khen Moreno, 20; Efren Mangona, 33; Abdulmunir M. Addin, 39; Shay An Mokamad, 19; at isang menor de edad.

Sa ulat, alas-10:30 ng umaga nang ikasa ng awtoridad ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa Gatchalian Subdivision.

Isang ahente ng PDEA ang nakipagtransaksyon sa mga suspek at kumuha ng malaking bulto ng shabu gamit ang buy-bust money.

Matapos na magpositibo ang operasyon ay saka inihudyat ang pagpasok sa loob ng bahay at dito ay nakumpiska sa mga suspek ang shabu na nakalagay sa Chinese tea pack na isang kilo kada pakete na may kabuuang halagang P122.4 milyon.

Base sa impormasyon, ang grupo umano ang isa sa malaking supplier ng shabu sa Metro Manila at Calabarzon.

Inihahanda na ang kaukulang kaso sa mga nahuling suspek. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.