Una sa Balita

Las Piñas 4-stag larga na

0 181

PIPILA ang libo-libong sabungero sa Las Piñas Coliseum para sa taunang “Boss Alex 4-Stag Derby” ngayon, Miyerkoles, Oct. 10 tampok ang 100 sultada.

“Dinadayo ng mga sultador ang derbing ito taon-taon,” ani LPC llamador Cris Villanueva.

Aabot sa P400,000 ang premyo sa pader­bing ito ni coliseum manager Alex Tobias. Ala-una nang hapon ang umpisa.

Bago na ang air-con system ng LPC sa loob ng sabungan at sa 80 cockhouses bukod sa three-level parking area (kasya ang 200 kotse).

Samantala, patok sa LPC ang “Milyon Na, Mitsubishi Pa 6-Stag Derby” sa Oct. 31, Nov. 7, 14, 21 (3-stag elims) at 28 (3-stag finals).

Ibibigay ang ­premyong P1.7 milyon (kasama ang brand new red Mitsubishi Mirage) habang P11,000 ang entry fee. Nakaparada na sa LPC lobby ang brand new red Mitsubishi Mirage.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy