Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Larry King pumanaw na

0 182

Pumanaw na ang iconic CNN host and journalist na si Larry King sa edad na 87.

Kinumpirma ng anak ni King na si Chance via Facebook ang pagpanaw ng kanyang famous dad.

“With profound sadness, Ora Media announces the death of our co-founder, host and friend Larry King, who passed away this morning at age 87 at Cedars-Sinai Medical Center in Los Angeles. For 63 years and across the platforms of radio, television and digital media, Larry’s many thousands of interviews, awards, and global acclaim stand as a testament to his unique and lasting talent as a broadcaster,” ayon sa official statement.

Hindi nabanggit ang cause of death ni King. Huling nabalita ay nakikipaglaban sa COVID-19 si King noong December 2020 bukod sa iba pang health problems.

Isa sa famous TV personalities si King dahil sa kanyang talk show sa CNN na Larry King Live na umere ng 25 years. Naging venue ang kanyang show para sa mga exclusive interview with presidential candidates, celebrities, athletes, movie stars and everyday people.

Nagpaalam sa ere ang show noong 2010 after 6,000 episodes.

Ang pagpanaw ni King ay kasunod sa pagpanaw ng dalawa niyang anak last year. Unang nagpaalam si Andy King (65 years old) dahil sa heart attack. A week later, sumunod namatay ay si Chaia King (52 years old) dahil sa lung cancer. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.