Una sa Balita

Larry King nilayasan na ang ika-7 asawa

0 296

After 22 years, nakipaghiwalay na ang TV host na si Larry King sa kanyang seventh wife na si Shawn Southwick-King. Nag-file ng divorce ang 75-year-old host ng “Larry King Live” noong nakaraang August 20 sa Los Angeles Superior Court. He cited irreconcilable differences, and the date of separation is listed as June 6, 2019.

Kinasal si King at si Shawn, na isang former actress, noong 1997. May dalawa silang anak na sina Chance (20) at Cannon (19).

Noong 2010 ay muntik na silang mag-divorce pero nag-reconcile sila ay binigyan pa ng second chance ang pagsasama nila.

In 2016, nabalitang nakipag-affair si Shawn sa ibang lalake at dito na nagsimula ang pagiging malamig ni King sa kanyang misis.

Nitong nakaraang April 2019, dumaan sa isang angioplasty procedure si King at binantayan pa siya ni Shawn hanggang sa maka-recover ito.

(Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy