Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Laro sa Gilas aprub: Kai suportado ng G League

0 172

NAKAHINGA na ng maluwag si 7-foot-3 Kai Sotto dahil sigurado na itong lalaro sa Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan.

Pinayagan si 18-year-old basketball phenom, Sotto ng NBA G League na maglaro para sa kanyang bansa.

“The G-League agreed for me to meet my previous commitments to play for the national team,” saad ni Sotto. “They have asked me to immediately report back to the bubble after my last national team game.”

SM food to go Banner Ad

Nakatakda sanang sumalang sa G-League bubble si Sotto sa Enero 26 pero hindi ito tutuloy dahil bibiyahe siya papuntang Pilipinas para maglaro sa Gilas Pilipinas.

Nagpaalam si Sotto sa G-League at masaya siya sa naging tugo.

Inaasahang darating sa Pilipinas si Sotto anumang araw ngayong linggo at pagkalapag ay agad na tutngon sa Gilas pool training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.