Una sa Balita

Lariba vs Puerto Rican sa opener

By
0 112

rio-olympics-005-logoMakakaharap agad ni Ian Lariba ng table tennis, isa sa apat na Filipino athletes na may laban sa unang araw ng mga aksyon matapos ang 31st Summer ­Olympic Games 2016 opening ceremony sa Agosto 5, ang isang Puerto Rican na mas bata sa kanya pero mas mataas ang ranking sa Riocentro Convention Center sa Rio de Janeiro City, Brazil.

Katuos ng  21-anyos na estudyante ng De La Salle University-Manila at tubong Cagayan de Oro City si Adriana Diaz sa pagbubukas ng table tennis competition na binubuo ng 86 paddlewielders sa men’s at women’s­ divisions sa August 6.

Nasa 15-taon pa lang si Diaz pero ranked No. 80 na sa buong mundo habang si Lariba ay nasa ika-297 sa daigdig.

Hampasan ang dala­wa sa preliminary round sa alas-12:00 ng tanghali (ala-una ng mada­ling-araw sa Manila time).

Aabante ang preliminary winners sa next round hanggang round-of-32 kung saan naghihintay naman ang mga seeded players.

Para sa hindi kabilang sa Top 32, tila isang himala ang lulusutan para lamang makamedalya.

Napasakamay ni Lariba ang kopya ng kanyang schedule noong Biyernes ng gabi at walang sinayang na panahon ang kanyang coach na South Ko­rean Mi Sook Kwon upang makahanap ng detalye sa kalabang Puerto Rican, na isang bete­rano ng Tokyo 2014 at Kuala Lumpur 2016 World Table Tennis Cham­pionships.

Gaya  ni Lariba, unang pagkakataon din para kay Diaz na katawanin ang kanyang bansa sa quadrennial sportsfest.

“I’ve seen her play although I haven’t played her. She’s younger but has more experience in international tournaments. She joins the World Tour. She is right-handed,” lahad ni Lariba bago mag-training kamakalawa.

“She’s more active than me when it comes to international tournaments,” hirit ni Lariba, na hindi nawawaglit ang pagsasanay sapul na dumating ang delegasyon ng Pilipinas noong noong Hulyo 23.

Pag-aaralan din ni Lariba at kanyang coach na naging silver medalist sa 1999 World Championships, kung paano gumalaw si Diaz sa mga susunod na araw.

“We will see more of her on the Internet. But I’ve seen her play. We’re now studying her game,” ani Lariba, na nagsimulang maglaro ng table tennis mula siyam na taon habang nag-aaral sa Corpus Christian School sa Cagayan de Oro.

Ang tatlong iba pang atletang Pinoy na ura-urada ring mga aaksiyon sa Aug. 6 ay sina swimmer Jessie Khing Lacuna sa men’s 400-m freestyle at boxers Rogen Ladon sa light-flyweight (49 kg) at Charly Suarez sa lightweight (60 kg) division.

Patuloy din ang pagsasanay ni Lacuna sa men’s 200meter freestyle kasama si Jasmine Alkhal­di, na sisisid naman sa women’s 100-m freestyle.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy