Una sa Balita

Larawan ni Mona Lisa gawa sa bacteria

By
0 486

ILANG mga scientist ang gumawa ng larawan ni Mona Lisa gamit ang genetically modified E. coli bacteria.

Sinusubukan ng mga Italian researcher na pag­samahin ang mga ito para makontrol ang malaking populasyon ng bacteria.

“I think it’s an interesting proof of concept of possibly using bacteria as bricks to build structure on the microscale cheaply and easily,” sabi ni study author Roberto Di Leonardo sa Gizmodo.

Pinagsama ng mga researcher ang proteorhodopsin-producing gene sa bacteria.

Pinalitan nila ang projector’s lens ng microscope lens para makita ang imahe ng bacteria, dalawang micrometers per pixel.

Nadiskubre ng mga researcher na nagsasama-sama ang slower-moving bacteria na nakakatanggap ng kaunting ilaw habang ang faster-moving naman na nilagyan ng malakas na ilaw ay naghihiwalay.

Ang mga clumping pattern ang nagresulta sa larawan kung saan isang region ng maraming bacteria ang naging kulay puti habang ang mga region ng kakaunting bilang ng bacteria ang naging itim.

Pinatingkad ng mga researcher ang negatives para makagawa ng imahe.