Una sa Balita

Larawan, Haunted Forest, Dedma Walking, Siargao pasok sa filmfest

By
0 24

Isa sa napili sa last final four entries ang Ang Larawan na kinabibilangan ni Paulo Avelino.

Bago ang announcement last Friday sa Club Filipino, ang tweet niya ay, “MMFF announcement later. Madidismaya ako kapag hindi pumasok ang LA­RAWAN.”

Mapapa­litan ng saya ang tweet na ito ni Pau dahil pasok ang La­rawan sa mapapanood sa December 25.

Hindi nakapasa sa panlasa ng committee ang script nito nu’ng unang sinumite pero nang mapanood ang finished product ay pumasa ito sa members ng Selection Committee.

Ayon naman kay Girlie Rodis na isa sa producers ng movie, tapos na rin ang apat­ na taong paghihirap nila sa paggawa ng pelikula.

Nagkaroon ito ng premiere sa nakaraang Tokyo International Film Festival at na­ging maganda ang feedback ng nakapanood.

Tinugunan din ang dasal ng prayer warriors na makapasok sa filmfest ang movie. Present sina Celeste Legaspi at Rachel Alejandro nang ianunsyo ang pagpasok ng musical drama sa festival.

Nasa Taipe pa ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde nang malaman ang balitang pasok ang Regal movie na Haunted Forest sa festival. Si Ian Lorenos ang director nito na hindi pinalad last year na mapili ang ginawang Mano Po 7.

Suwerte sa pelikulang may salitang Haunted ang Regal, ‘Yung isa nilang entry na Haunted Mansion two years ago sa filmfest ay isa sa top grosser. Dito ni-launch sa stardom si Janella. Ngayon naman, sina Jane Oneiza, Maris Rascal, Jameson Blake ang binigyan nila ng break. Kasama rin sa cast si Raymart Santiago.

Marami ring natuwa nang mapili ang Dedma Walking sa festival mula sa T-Rex Productions. Bida rito sina Jorross Gamboa at Edgar Allan Guzman.

Ilang beses nang tinangka ng producers na makasali sa festival pero laging lag­ag ang ipinapasok niya.

Kabilang din sa entries ang pelikulang Siargao mula sa Ten17 Productions. Bida rito sina Jericho Rosales, Erich Gonzales at Jasmine Curtis-Smith mula sa direksyon ni Paul Soriano.

Ito ang pelikulang naging rason kaya hindi tinanggap ni Echo ang isa pang official entry na All of You kaya pinalitan siya ni Derek Ramsay.