Una sa Balita

‘Larawan’ at ‘Deadma Walking’ mga dark horse sa MMFF

By
0 297

Maligayang Pasko sa lahat ng readers­ ng Abante!

Punumpuno ng sigla muli ang 2017 Metro Manila Film Festival. Bumalik ang sigla dahil sa mga entry this year kung ikukumpara sa nakaraang filmfest.

Kahit na nga may mga kumukontra sa napiling entries, higit na mas marami ang natutuwa dahil box-office attraction ang mga bida, may kalidad pa ang pagkakagawa ng movie nila.

Sa taong ito nagbabalik sina Vic Sotto at Vice Ganda na inisnab last year. Dalawa ang binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board, ang Deadma Walking at Ang Lara­wan. Kapwa masasabing dark horse sa box-office ang Ang Larawan at Deadma Walking.

Matutunghayan namang muli ang winning trio nina Jennylyn Mercado, Derek Ramsay at Direk Dan Villegas. Panalo na ang winning performance ng Jen-Der, best directorial job namang masasabi ito ni Villegas.

Of course, liyamado sa takilya ang Haunted Forest ng Regal Entertainment dahil nag-iisa itong horror entry. Tuwing filmfest kasi, paboritong panoorin ng mga bata kasama ang buong pamilya ang katatakutang pelikula.

Makikilala sa Ian Lorenos movie ang bagong katatakutan na Sitsit. Nakakabilib din ang sipag nina Jane Oneiza Maris Racal, Jameson Blake at Jon Lucas hindi lang sa mall shows kungdi pati na rin sa social media, huh!

Nagbalik namang muli si Vic sa family comedy sa Meant To Beh matapos ang nagawang fantasy movies.­ ‘Yung galing niya sa pagpapatawa eh, matutunghayang muli.

Tangkilikin ang pelikulang Pinoy simula­ bukas, December 25!