Una sa Balita

Lara reyna sa piling ni Paolo

By
0 1,034

Walang kupas ang ganda, kaseksihan ni Lara Morena. At sa guesting niya sa Abante Online show namin ni Rey Pumaloy, ang ­“ABANTELLILING” (na mapapanood pa rin sa Abante News Online Facebook page, Abante Tonite YouTube channel, @abante_tnt), parang hindi nga nagkaedad ang aktres.

“Kapag lagi kang tumatawa, hindi ka tatanda,” sabi niya.

Ang kagandahan, kaseksihan, kasiyahan nga ni Lara ang siguradong binalik-balikan, hindi makalimutan, ng dyowa niya ngayon na si Paolo Bediones. Kitang-kita sa mukha ni Lara ang kaligayahan, kakuntentuhan sa relasyon nila ni Paolo.

“Four years na kami. Pero, 15 years ago magkakilala na kami. Then, matagal kaming hindi nagkita.

“And then, one time nagpunta ako sa resto niya, doon kami nagkita, nag-­usap ulit. And then, heto nga, naging kami.

“Text-text muna noon. Dumaan muna kami sa mga sweet nothings. Hindi ­naman ligawan. Kasi ngayon parang hindi na uso ‘yon. Noong una walang label. Pero, ­dumating ako sa point na humingi ako ng label. Dapat ganu’n.

“Nu’ng time na nagkita kami, kakahiwalay ko rin lang noon. May mga nanligaw rin na iba, pero si Paolo ang napili ko,” nakangiting chika ni Lara.

Ano ang nagustuhan mo kay Paolo?

“Sobrang mabait siya. At matalino siyempre, number one.”

Masarap? Kausap?

“Siya ‘yung tipo na mabobobo ka kapag kaharap mo. Na wala kang masasabi kapag nagsalita na siya. Na papakinggan mo talaga siya. Kailangan good listener ka.”

Paano ba maglambing si Paolo?

“Para akong queen sa kanya. Mas higit pa sa queen. ­Sobra talaga.

“Sobrang mararamdaman mo na talagang mahal na ­mahal ka niya. Pinaparamdam niya talaga.”

Magaling ngang mag-alaga si Paolo, at kita ‘yon sa mukha niya ngayon.

“Siyempre magaling din akong mag-alaga. Nag-aalagaan kaming dalawa. ­Hahahaha!

“Siguro sa kanya ko lang nakita ang lahat ng mga gusto ko sa isang lalake.”

Kaya naman hindi na magdadalawang-isip si Lara na magpakasal kay Paolo.

“Ito na ‘yung gusto ko, ayoko nang lumipat pa, o maghanap pa ng iba. Bakit ka pa lilipat sa iba, kung heto na nga, natagpuan mo na ang gusto mo.”

 

Gusto nang magka-baby:
Sana 3 years from now may kalaro na kami

Marami nga raw pinagdaanang pagsubok ang relasyon nila.

“Sobrang marami kaming pinagdaanan. Tapos na kami doon. Nag-level up na kami. Siguro lahat naman ng relasyon dumadaan sa butas ng karayom. Kung hindi mo pagdadaanan ‘yan, hindi kayo magtatagal.”
Ano ang plano niyo ni Paolo ngayon?

“Siguro 3 years from now, may kasama na kami, may kalaro na kami. ‘Yun ang nakikita ko. Kasi, nagpaplano na talaga kami ng pamilya. Nakikita ko ang sarili ko na at peace na ako, na ang sarap matulog na wala kang ibang iniisip na pagka­gising mo, nandiyan ang taong mahal mo, at nagmamahal sa iyo.

“Noon stubborn talaga ako. Impulsive. Nagdusa rin sa akin noon ang mga nakarelasyon ko.

“With Paolo ngayon, bumait ako sobra. Sa kanya ako natuto maging pasensiyosa. ‘Yun ang sign na hiningi ko kay God, na bigyan ako ng mahabang pasensiya, at nagbunga naman ngayon.”

Paano ang relasyon ng mga anak mo kay Paolo?

“They’re fine. Magkasundo sila.”

Isa nga sa plano nila ni Paolo ang magka-baby na rin. At malay natin, baka buntis na si Lara ngayon.
“Sana nga. Thank you. I-claim natin ‘yan.

“Ngayon talaga masasabi ko na alam ko na tatanda ka­ming dalawa na magkasama. ‘Yung tipong ang iniisip ko na lang nga­yon… I’m a strong woman, ever since ganu’n ako, and I’m a fighter. Pero ngayon, mas alam ko na kuntento na ako.

“Kung ano man ang darating sa amin, hintayin na lang namin, kung ano ang ibibigay ng Diyos, at masaya kami kung anong meron kami,” sabi na lang ni Lara.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy