Una sa Balita

Lara nawala ang pagkamaldita dahil kay Paolo Bediones

0 700

Natagpuan na ni Lara Morena ang matagal na niyang hinahanap na “true love” at ito ay sa dating newscaster at reality show host na si Paolo Bediones.

Nag-guest si Lara sa show namin na “Abantelliling” nu’ng nakaraang linggo at dito niya ibinahagi ang naging kasaysayan nila ni Paolo kung paano lumago ang kanilang pagmamahalan.

Ayon kay Lara, bago pa naging sila ni Paolo ay inidolo na siya nito noon pang wala pa sa limelight ang award-winning television celebrity.

Lagi itong bumibili ng Abante kapag ang front celebrity cover pin-up ay si Lara.

Minsan sinabi nito sa kanyang kaibigan nu’ng makita niya ito sa isang TV show, “magiging girlfriend ko yan.”

Nu’ng nasa Amerika si Lara, tinatawagan pa ito ni Paolo at nagbabad sa telepono ng ilang oras. Ginastusan ng ma­laki ni Paolo sa telephone bills niya si Lara makausap lang ito.

Apat na taon na silang magkasintahan ni Paolo at inamin nitong dumaan rin sa mga pagsubok ang kanilang relasyon.
Pero may nakita si Lara na qualities ni Paolo na siyang nagpakumbinse sa kanyang manatili sa piling nito.

Hindi itinanggi ni Lara na ‘maldita’ siya sa mga nakakarelasyon at pag ayaw na niya, kakalas talaga ito kahit sugatan ang puso ng lalake. Kay Paolo, handa na si Lara na gugulin ang mga susunod niyang mga taon para sa boyfriend.

Ngayon, nasa proseso na sina Lara at Paolo ng pagbuo ng pa­milya, o pagbi-baby. Kaya nga ipinagdadasal nitong mabiyayaan na sila ng Diyos.

May ilang taon na ring live in sina Paolo at Lara. At hindi kaya ng isa’t isa na hindi mag-usap ng isa o dalawang beses lang sa isang araw. Kailangan ay maya’t maya lalo at may opisina na ang tinaguriang “Brown Adonis” ng Philippine Television. (Rey Pumaloy)