Una sa Balita

Lapu-Lapu may 2 kaso na ng Covid

0 396

May dalawang kaso na ng Covid 19 ang Lapu-Lapu City sa Cebu, ayon na rin sa report ng Department of Health (DOH).

Sa statement, sinabi ni Mayor Junard Chan na ang dalawang pasyenteng nagpositibo sa coronavirus ay naka-isolate na ngayon sa ospital sa may Mandaue City at Cebu City.

Nabatid na ang patient No. 1 ay lalaking nasa 70-anyos na, may-asawa.

Sinasabing dumaranas na rin ito ng pre-existing illness at may anak na doktor habang ang patient No. 2 naman ay 74-taong gulang kung saan ang misis nito ay isa ring doctor. (Prince Golez)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More