Una sa Balita

Lapu-Lapu kontrabida sa Magellan movie, mga netizen umalma

0 579

Humamig ng maraming negatibong reaksyon mula sa mga Pinoy netizen ang international animated movie na “Elcano & Magellan: The First Voyage Around The World” na obvious na pelikula tungkol sa Portuguese na si Ferdinand Magellan at Spaniard na si Juan Sebastián Elcano.

Nakahandang ipalabas ang naturang pelikula sa January 2020 sa Philippine cinemas. Pero tila ngayon pa lang ay kontrobersyal na ito dahil ayon sa mga netizen, palalabasin dito na kontrabida ang itinuturing nating unang bayani na si Lapu-Lapu.

“There’s an animated movie about Magellan and just… YIIIKKEEESSS. Stop depicting colonizers as good guys.”

“Portraying Lapu-Lapu as a villain when he was just protecting our land?? And magellan and that bootleg flynn ryder is good guys?? This film is gross.”

‘Yan at marami pang iba ang reaksyon ng mga Filipino netizen tungkol sa naturang pelikula. Alam naman ng lahat na si Lapu-Lapu ang nakapatay kay Magellan sa isla ng Cebu.

Samantala, simula nang makatanggap ng mga negatibong feedback ang movie poster ay bigla nang nag-private ang Crystal Sky Media na local distributor ng pelikula at maski ang poster sa kanyang Facebook page ay burado na.

Heto pa, isang mambabatas sa katauhan ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun ang nanawagan sa MTRCB upang i-review ang naturang pelikula sa posibilidad na mayurakan ang pagkatao ng ating bayani na si Lapu-Lapu.

“There are apprehensions that our cherished hero Lapu-Lapu might be depicted as a villain in this movie, and we, as Filipinos, cannot allow such a lie to be propagated right on our very own soil.

“While we acknowledge the importance of the circumnavigation of the world to human history, may its retelling not devalue the admirable courage shown by early Filipinos in fighting for freedom and independence,” anang solon. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy