Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lapu-lapu City sumaklolo sa mga binagyong WFH residente

0 66

Magbubukas ang Lapu-Lapu City government ng tatlong co-working space ngayong linggo para makapagpatuloy ang mga work-from-home (WFH) employee sa kani-kanilang trabaho.

Saad pa ni Mayor Junard Chan, magbibigay sila ng libreng kuryente at internet connection sa mga nasabing manggagawa.

Samantala, naglabas na ang city government ng masterlist ng mga mamamayang kuwalipikadong tumanggap ng P5,000 financial assistance kaugnay ng paghagupit ng bagyong ‘Odette.’

Hinimok ng alkalde ang mga opis­yal ng mga barangay na isumite na ang listahan para mailabas na ang pondo.

Nakatakdang ipamahagi ang ayuda sa Enero 15 at 16. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.