Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Lapitin ng mga bebot’ Bistek nakita sarili kay McCoy

0 47

Nakikita raw ni Herbert Bautista ang sarili niya kay McCoy de Leon. Bukod nga sa hindi naman sila nagkakalayo ng ‘tangkad’ ay pareho rin silang malakas ang karisma, at pareho ring lapitin ng mga bebot.

Sabi ni Bistek, mahusay makisama si McCoy sa mga tao, at kitang-kita rin ang leadership nito. Hindi nga siya magtataka kung balang araw ay pasukin din ni McCoy ang politika.

“Ano rin siya, tagapagtanggol ng mga bully, pero minsan siya rin `yung nangbu-bully. Hahahaha! Very athletic siya na ibig sabihin may disiplina siya.

“Ang sinabi ko lang sa kanya, kailangan gentleman siya sa lahat ng bagay, sa relasyon, sa pagkilos mo,” sabi ni Bistek kay McCoy.

Anyway, mag-ama nga ang role nila sa muling pagsasabuhay ng patok na pelikula noong 1987, ang Puto.

Makikipagsapalaran na nga siya kasama ang kanyang anak at iba pang mga karakter sa pagpapatuloy ng kanyang kuwento.

Nagsimula noong Hunyo 19 ang Puto sa TV5. Umikot ang kuwento kay Ivanhoe “Puto” dela Cruz.

Si McCoy, bago gumanap bilang Uno, ay kinilala bilang Most Promising and Hottest Actor sa 3rd Asia Pacific Luminare Awards 2020. Mas magiging makulay ang buhay ng mag-amang Puto at Uno sa mga kasama nilang mula sa magkabilang mundo ng mga tao at mga duwende. Sina Lassy Marquez, MC Calaquian, at Chad Kinis ng Beks Battalion ay gaganap bilang Mamitas, ang tatlong duwende na sinagip ni Puto sa orihinal na pelikula, na ngayon ay naging mga tao na at tumayong mother figures ni Uno sa kanyang paglaki.

Natatangi rin ang throwback at nostalgia moments ng Puto TV series sequel na ito, sa pagbabalik ng mga karakter mula sa 80’s hit movie nina Janno Gibbs bilang si Juanito, ang best friend ni Puto; Gelli de Belen bilang si Mindy na kaklase ni Puto sa high school, na ngayon ay gaganap bilang cook sa school canteen ni Uno; at si Bing Loyzaga bilang si Tere, na isa nang life insurance agent at self-proclaimed plantita. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.