Una sa Balita

Lapid suportado ng Bukidnon gov

0 176

MAINIT ang pagtanggap ng mga taga-Bukidnon, sa pangu­nguna ni Gov. Jose Ma. Zubiri Jr. kay senatorial bet Lito Lapid nang bumisita ito sa nasabing probinsiya sa Araw ng Kagitingan.

Masayang-masaya si Lapid sa suportang ipinakita ng mga taga-Bukidnon lalo nang umakyat siya sa entablado.

Nagpapasalamat rin si Lapid sa walang patid na suportang natanggap niya mula kay Go­vernor Zubiri.

Samantala, pangako naman ni Lapid na isulong pa rin ang kapa­kanan ng mahihirap kung muli siyang ihalal sa Senado.

Ibinida ni Lapid ang batas na kanyang naipasa, “Free Legal Assistance Act of 2010” na humihikayat sa mga abogado at law firm na magbigay ng libreng serbisyong ligal para sa mga mahihirap kapalit ng tax credit.

Giit pa ni Lapid, tulad ng kanyang mga ginampanang karakter sa pelikula at telebisyon, nais niyang magsilbing sandalan at takbuhan ng mga mahihirap at naaapi.

Dagdag pa niya, sana raw ay mabigyan pa siya ng pagkakataon na muling pagsilbihan ang mga Pilipino sa Senado upang mas marami pa ang kanyang matulungan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy