Una sa Balita

Lapid lusot sa graft case

By
0 125

Ibinasura kahapon ng Sandiganbayan ang kasong graft na isinampa laban kay dating Sen. Lito Lapid kaugnay sa anomalya sa pagbili ng P4.3M liquid fertilizer na hindi dumaan sa public bidding nang ito ay gobernador pa ng Pampanga noong 2004.

Sa pagbasura ng kaso ay kinatigan ng Sandiganbayan 1st Division ang mosyon ni Lapid na dapat ibasura ang inihaing kaso laban sa kanya ng Office of the Ombudsman sa basehang sobrang matagal ang panahon bago naihain ang reklamo na malinaw na paglabag sa kanyang karapatan para sa speedy trial.

Batay sa argumento ni Lapid, 5 taon ang inabot bago nakapaghain ng reklamo ang Field Investigation Office ng Ombudsman o taong 2006 hanggang 2011, noong 2014 umano ay mayroon nang resolus­yon ang Ombudsman para kasuhan ito ngunit inupuan lamang din ito noon lamang Oktubre 8, 2015 pormal na naisampa ang kaso, sa tagal umano ng panahon para siya ay kasuhan ay malinaw na nalabag ang kanyang karapatan at mahihirapan na siyang ipagtanggol pa ang kanyang sarili sa korte.

Nag-ugat ang kaso sa overpriced fertilizer na binili ng lokal na pamahalaan ng Pampanga na hindi umano dumaan sa bidding.

Bukod sa dating senador ibinasura rin ang kaso sa kapwa akusado nito na sina Victoria Abubakar, Leolita Aquino at Dexter Vasquez.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy