Una sa Balita

Lapid: Community center para sa kalamidad itayo

0 258

Isinusulong ngayon ni Senador Manuel ‘Lito’ Lapid ang isang panukala para sa paglalagay ng mga community shelter na magsisilbing evacuation center sa panahon ng kalamidad at iba pang kagipitan o emergency.

Sa kanyang Senate Bill No. 1298, layon ni Lapid na matugunan ang kasalukuyang kakulangan sa disaster res­ponse system ng bansa.

Paliwanag ng senador, nang sumabog ang Bulkang Taal noong Ene­ro 12, nagulat ang bansa dahil sa loob lamang ng isang araw, itinaas agad sa alert level 4 ang bu­lkan matapos umabot ang ash fall nito sa ma­laking bahagi ng Batangas at Cavite at umabot pa sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan sa Calabarzon.

Dahil dito, agad na nagtungo ang mga ­apektadong pamilya­ sa mga bukas na evacuation­ center suba­lit karamihan sa mga ito ay mga eskuwelahan kaya naapektuhan din ang pag-aaral ng mga estudyante.

Iginiit ni Lapid na ang praktis nang paggamit ng mga classroom at school building bilang evacuation center ay hindi dapat gawing pamantayan ng pamahalaan.

“Nakakaawa naman ang mga bata dahil bukod sa masamang epek­to ng kalamidad sa kanilang pamilya, pati pag-aaral nila ay natitigil dahil ginagamit ang kanilang eskwelahan bilang pansamantalang tirahan ng mga biktima ng disaster,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng Senate­ Bill No. 1298, nais ni Lapid na magkaroon­ ng batas na mag-aatas­ sa Local Disaster­ Risk Reduction and Manage­ment Council (LDRRMC), sa pakikipag­tulugan ng Office of the City/Municipal Engineer o ng Office of the Building Official para magtalaga at magtayo ng community shelter sa angkop na gusali ng gobyerno, kabilang su­balit hindi limitado sa mga gymnasium,­ convention, multi-purpose hall, covered court, government warehouse at iba pang katulad na istraktura. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More