Una sa Balita

Lapeña sibak sa ₱6.8B shabu smuggling; itinapon sa TESDA

By
0 208

Sinibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Customs Commissioner Isidro Lapena at inilipat sa Technical Education and Skills Development Authority (Tesda).

Si retired Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Leonardo Guerrero ang ipinalit kay Lapeña sa Bureau of Customs (BOC).

Mahigpit ding inutos ni Pangulong Duterte ang malawakang balasahan sa loob ng BOC.

Samantala, nauna dito, bago pa man tinanggal sa puwesto si dating BOC chief, sinabi ni Lapeña na hahanapin niya ang P11 bilyong nawawalang shabu sa Cavite na naunang naulat na aabot lang sa P6.8 bilyon ang halaga.

“We’ll take that very seriously and that’s why we have to concentrate our efforts in going after drug syndicates and go after this shipment that slipped past (BOC),” sabi ni Lapeña sa press briefing sa pa­lasyo.

Aniya makikipag-coordinate siya kay Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief, Director General Aaron Aquino kung paano na-estimate na ang nawawalang droga ay aabot sa 1.618 tonelada.

“I don’t’ know where the P11B was taken, but of course, it’s co­ming from the PDEA. Just look at the empty magnetic lifters. That will not result in P11 billion,” paliwanag ng opisyal.