Una sa Balita

Lapeña kinasuhan sa DOJ

By
0 533

Sinampahan ng kasong graft sa Department of Justice (DOJ) si dating Customs commissioner Isidro Lapeña kaugnay sa nawawalang 105 container ng ceramic tiles na misteryosong nawala sa Bureau of Customs (BOC) compound noong nakalipas na Marso.

Sa 35-pahinang reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Lapeña, kasama nitong kinasuhan ang ilang John at Jane Does ng paglabag sa Section 3, Paragraph (e) of Republic Act No. 3019, kilala bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nabatid na bukod sa naturang kaso, kinasuhan rin ng kasong administratibo na gross neglect of duty and grave misconduct si Lapeña, na na-­appoint bilang director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Matatandaan na noong nakalipas na Marso, may kabuuang 105 container ng ceramic mula ­China at iba pang imported na produkto ang naglaho sa BOC sa kabila na may alert order ang mga ito para hindi makalabas ng BOC.

Gayunman, sinabi ni Lapeña na sa 105 ­container, 85 ang narekober na sa Meycauayan, Bulacan, gayundin ang 20 iba pa. 

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More