Una sa Balita

LAOAG ARANGKADA SA SEMIS

By
0 2

Mga laro sa Miyerkules
(The Arena, San Juan)
4:00 p.m. — No. 1 vs No. 4
6:00 p.m. — No. 3 vs No. 2

Umarangkada sa semis ang Laoag matapos nitong pataubin ang University of the Philippines, 25-21, 19-25, 25-22, 26-24, sa Shakey’s V-League Season 13 Open Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City kahapon.

Binitbit ng 23 ­puntos ni Arellano standout ­Jovielyn Prado ang Po­wer Smashers, na uma­ngat na sa semis kasama ng Pocari Sweat, Air Force at Bali Pure.

“’Yung unang goal namin na makapasok sa Final Four medyo na-achieve na namin so sunod naming paghahandaan itong semis ­naman,” saad ni Laoag coach Nes Pamilar.

Kasalukuyang nagla­laban ang Lady Warriors at Jet Spikers at ang mananalo sa kanilang elims faceoff ay ang makaka­laban ng Power Smashers sa best-of-three semis.

Angat na sa, 20-15, ang Laoag sa fourth set nang bumulusok ang UP para idikit ang laban, 20-22.

Itinulak ni Mylene Paat ang Power Smashers sa match point, 24-22, pero ayaw pa rin bumitiw ng Lady Maroons at itinabla ang laban, 24-24.

Hindi na pinaporma ni Jessica Galanza at Paat ang mga kalaban at sinel­yuhan na ang panalo.

Kumpyansa naman si Laoag coach Nes Pamilar na hindi ­magpapadaig ang kanyang mga bata kaya hindi na siya kina­bahan na aabot sa limang sets ang laban.

“Sabi ko nga ‘yung ­tiwala at kumpyansa nila nandoon na kaya nilang tapusin,” wika ng bete­ranong coach.

Nag-ambag ng pinag­sa­mang 27 puntos sina Galanza at Paat para sa Laoag.

Samantala, gumawa si Diana Carlos ng 19 puntos para sa UP, si Isa Molde naman ay may 16 marka at si Nicole Tiamzon ay my 11. Tinapos ng Lady Maroons ang torneyo na may 3-4 win-loss card.