Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lao, Ombudsman Liong, 6 Pharmally exec yari sa BI

0 17

Naglabas na ang Bureau of Immigration (BI) ng lookout Bulletin laban sa ilang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation at kay dating Undersecretary Christopher Lao, alinsunod sa kautusan ng Department of Justice (DOJ).

Kaugnay ito sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado hinggil sa umano’y pagbili ng pamahalaan ng overpriced na medical supplies para sa pandemya.

Bukod kay Lao, kabilang din sa nasa lookout list sina Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong, at mga opisyal ng Pharmally na sina Twinkle Dargani, Huang Tzu Yen, Krizle Grace Mago, Justine Garado, Linconn Ong, at Mohit Dargani.

Layon ng lookout bulletin na mabantayan at malaman ang kinaroroonan ng mga nabanggit na indibidwal sakaling tangkaing umalis ang mga ito ng bansa.

Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inaasikaso na ng Immigration ang ILBO laban sa mga nabanggit alinsunod sa kahilingan ng Senado.

“  BI will make the proper arrangements for monitoring the subject’s travel movements abroad,” ayon kay Sec. Guevarra. (Mina Navarro/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.