Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lani pinalitan ni Pops sa ‘The Clash’

0 213

May isang sigurado na uuwi sa naiwang Top 20 Clashers sa The Clash. Ang daming twist dahil ngayong Linggo ng gabi, magkakaroon ng color team, pero sa “kakulay kalaban” ang mangyayaring round. The red, white, blue and black group.

Dito na rin made-determine ang matitirang Top 15.

Among Jessica, Aeron, Kylye, Shannen at Rash, apat lang ang makakapasok sa Top of the Clash. Ang isa ay pauuwin na or ‘ika nga, uuwi ng luhaan, huh! Ang theme sa round na ito ay “OPM: Ang Awit ng Buhay Ko.”

Instead na si Lani Misalucha, si Pops Fernandez pa rin ang makakasama ng The Clash Panel na sina Ai-Ai delas Alas at Christian Bautista ngayong gabi. Kasama ang mga Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at Journey Hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela.

SM SuperKidsDay Banner Ad

***

Michelle nagsisi sa away kay Kapuso comedian

Hindi pa namin maisulat ng buo ang nakarating sa aming balita tungkol sa isyu ni Super Tekla at ng kanyang live-in partner na si Michelle Lor-Banaag, pero mukhang nagsisisi na raw ang ka-live-in ni Super Tekla sa ginawa?

Bukod kasi siya ang sentro ng bashing ng netizens, nahahalukay rin ng iba kung ano raw ang mga dating isyu nito.

Sa ngayon, magkahiwalay sina Super Tekla at si Michelle at ang four months old na anak nila ay nasa babae. Pero yun nga, feeling ng ilang malapit kay Super Tekla, termino pang ginamit sa amin, “may pagka-tangang in-love” raw ito, hindi sila magtataka kung sa kabila ng mga nangyayari, mas makikipagbalikan pa rin ito kay Michelle kesa makipaghiwalay nang tuluyan at ang anak na lang nila ang mas pagtuunan ng pansin, huh!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.