Una sa Balita

Lani Mercado nireklamo sa Ombudsman

0 655

NAGHAIN ng reklamo ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) sa Ombudsman laban kay Bacoor City Mayor Lani Mercado Revilla dahil sa reclamation project nito sa Cavite.

Ang reclamation ay isasagawa ni Mayor Mercado sa Coastal at Manila Bay. Ito ay sasakop ng 420 na ektarya – 320 na ektarya para sa Bacoor Reclamation and Development Project at 100 ektarya naman para sa Diamond Reclamation and Deve­lopment Project.

Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, marami umanong paglabag na nagawa ang alkalde hinggil sa reclamation kaya humantong sila sa paghahain ng reklamo sa Ombudsman.

Ang reclamation project, ayon sa Pamalakaya ay labag sa utos ng Supreme Court noong 2008 para sa paglilinis at rehabilitasyon ng Manila Bay.

Isa pa sa nalalabag ay ang Administrative Order No. 16 kung saan pinirmahan ni Pangulong Duterte ang pag-aayos para manumbalik ang ganda ng Manila Bay.

Dagdag naman ni Fernando Hicap, tagapa­ngulo ng Pamalakaya, hindi nakipag-
ugnayan sa Department of Agriculture at Bureau of Fisheries at Aquatic Resources si Mayor Lani. Sinimulan ng mayor ang reclamation project nang hindi nakiki­pag-usap sa mga organisasyon ng gobyerno lalo na sa mga Bacooreño na lubhang naapektuhan sa nasabing proyekto.

Hindi pa nakukuha ang reaksyon ni Mayor Lani sa reklamong ito habang sinusulat ang balitang ito. (Isah Di­vina)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More